38

By

Erik Matti magdidirek ng HBO series

Tinapik ang kilalang Filipino filmmaker na si Erik Matti ng Singaporean filmmaker na si Eric Khoo para idirek ang isang episode ng upcoming HBO Asia original anthology series na“Food Lore”.

Ipapalabas umano ang “Food Lore” sa November.

Ani Khoo sa report ng Inquirer, matagal na niyang gustong makatrabaho ang direktor na mula sa Pilipinas.

Humanga umano si Khoo sa idinirek noon ni Matti na “On the Job” at “BuyBust”.

Isinalarawan din niya ang direktor na mayroong “a great, strong aura.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?