211

Dec 22, 2017 @ 16:31
By

Erich spotted na may ka-date na guwapo, balbas-sarado

Isang kaibigan ang nag-text sa amin kamakailan lang na nakita raw nila si Erich Gonzales na dumalo sa isang musical play ng Reach International School sa RCBC Theater.

Nakasabay raw siya ng kaibigan namin na dumating na may kasamang isang guwapo na balbas-sarado pero mukhang disente raw. Kasama raw nito ang pamilya nu’ng guy na mukhang close rin daw kay Erich.

Maaaring pamangkin daw nu’ng guy na iyun ang isa sa mga batang nag-perform doon sa RCBC.

Text pa sa amin ng aming kaibigan, “Parang close si Erich sa pamilya nu’ng guy, lalo na doon sa isang old lady na mukhang sosyalera.”

Si Erich pa raw ang umaalalay sa sosyalerang old lady papasok at katabi pa raw niya ng upuan. Napagitnaan daw si Erich nu’ng mukhang disenteng guy at nu’ng sosyalerang old lady.

“Parang boyfriend na niya ‘yung guy,” text pa sa amin.

Pero puwede ring kamag-anak pala iyun ni Erich, pero naririnig pa ng aming kaibigan ang ilang taong dumalo na nagtatanong kung girlfriend ba nu’ng mukhang disenteng guy itong si Erich.

Baka nga tahimik lang si Erich at dating na pala siya sa isang mayamang disenteng guy. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?