635

Dec 21, 2017 @ 14:08
By

Erich, pokus muna sa career bago boylet

Ang ganda lang ni Erich Gonzales dahil ang daming nanliligaw sa kanya ngayong mga boylet.

Mas lalo pa yata siyang naging malasa sa paningin ng mga kalalakihan dahil sa kanyang kaseksihan.

Umaapaw sa appeal ngayon ang beauty ni Erich na isang rason na panghatak sa manonood ng MMFF2017 movie entry nilang ‘Siargao’ na pinagbibidahan din nina Jericho Rosales at Jasmine Curtis-Smith, sa direksiyon ni Paul Soriano.

Inamin sa amin ni Erich na hindi bokya ang kanyang personal life dahil marami ang willing maghintay sa kanya.

Pero masaya raw siya sa nangyayari sa kanyang career kaya ayaw muna niyang lagyan ng extra baggage ang buhay niya sa ngayon.

Sabi pa niya, sa dami ng mga pinagdaanan niya’y mas na-appreciate raw niya ang buhay niya kakabit ang karera at mga mahal sa buhay gaya ng pamilya at friends.

Mas lumakas daw ang confidence niya sa sarili kaya nagawa niyang magpa-sexy.

Ibubuhos daw ni Erich ang atensyon sa mga projects na gagawin niya next year lalo’t ang daming naka-line-up sa kanyang paanan.

Habang nalulunod sa kaligayahan sa bago niyang girlfriend na isang Polish model na si Karolina Pisarek si Daniel Matsunaga, nakalutang naman sa alapaap ang puso ni Erich sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?