227

By

Erich, naglantad ng alindog sa kalendaryo

Sharing is caring!

Ang layo na ng nararating ni Erich Gonzales sa ngayon kung ang pag-uusapan ay ang latest posting niya sa kanyang Instagram wall ng makapigil-hininga at makalaglag-pangang photo niya.

Na-shocked ang netizen sa paglalantad ni Erich ng kanyang nakakapag-init na alindog sa isa sa mga pictorial shots niya sa lalabas na kalendaryo ng isang local brand ng alak.

Sa larawan naka-two piece string emerald green bikini ang Kapamilya actress. Nakaluhod habang nakapatong ang isang braso ng aktres sa upuan.

Patagilid ang kuha ng kanyang katawan habang naka-front angle naman ang kanyang mukha.

Sa anggulong ito ni Erich, nakabalandra ang kaseksihan na kahit siguro sinong Victoria Secrets model ay aayon sa ‘mabangis’ na sexiness nito.

Mula balikat pababa sa dibdib hanggang abs at legs ni Erich, pamatay ang alindog nito na kahit sinong lalake ay dadagain ang dibdib sa init na mararamdaman habang pinagmamasdan ang katawan ng aktres.

Walang pasakalye sa kanyang message caption si Erich sa profile name niyang @erichgg, kundi ang pangalan ng liquor brand na siya niyang ie-endorse bilang image model ngayong 2018.

Ilang minuto pa lang matapos itong ma-post sa IG, nag-trending kaagad sa socmed ang larawang ito ni Erich.

Kahit ang kaibigan niyang si Enchong Dee ay nabaliw sa sexy pictorial ng kapwa niya Star Magic talent.

@enchongdee, “Di mo to pinaalam sakin…maguusap tayo mamaya sa bahay!”

Kung noon neneng-nene pa si Erich at kapag tinatanong namin siya tungkol sa posibilidad ng pagpapa-sexy laging isinasagot nito ay baka hindi niya magawa dahil wala siyang lakas ng loob.

Mula noon hanggang ngayon, wala na ang dating sweet image ni Erich. Ang makikita sa kanya ay isang dyosang mang-aakit lang ng mga lalake.

Well, napansin naman namin na matapos silang mag-break ni Daniel Matsunaga, dito na unti-unting nagrebelde si Erich at inilabas ang kanyang natatagong ‘hayop’ na kaseksihan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?