13,135

Nov 23, 2019 @ 21:50
By

Erich may ‘pabakat’ sa Davao

Teka lang naman, hindi pa summer Mars!

Ganiyan nga ang sabay-sabay na reaksyon ng mga artista, kasamahan sa showbiz, ni Erich Gonzales, sa latest Instagram post niya.

Kasi naman itong si Erich, November na nga, at feel na feel na nga ang lamig ng simoy ng Pasko, na ang karamihan nga ay ang pagbili ng mga regalo ang iniisip, pero heto nga siya, biglang-bigla, may pasabog sa social media.

Jusmiyo naman, na bigla ka kasing magpu-post ng photo mo na ang suot mo lang ay kulay dilaw na bikini, ‘yung labas na labas ang cleavage mo, at halos sumilip na ang singit at puwet mo, ha!

At sa klase ng posing ni Erich, puwedeng-puwede ngang bumakat ang inaasam na bumakat ng mga fan niya, lalo ng mga barako.

“My kind of weekend,” sabi lang ni Erich na ang ganda-ganda, ang seksi-seksi, at halata mong maligayang-maligaya ngayon.

Nasa Davao nga ang Kapamilya actress ngayon, at kung iisipin mo, parang tinatamad na yatang mag-work ang dalaga, na mas gusto na nitong magbakasyon na lang muna, at tutukan ang kanyang YouTube channel, ‘di ba?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?