34

Aug 11, 2020 @ 18:58
By

Erich mamimigay ng mga tablet

May pa-tablet sa mga fan si actress Erich Gonzales.

Ito’y para ipagdiwang ang award na natanggap niya mula sa YouTube matapos niyang magkaroon ng 1 million subscribers.

“To celebrate this milestone with you, I’m excited to give away 3 tablets and I will be choosing 3 lucky winners,” caption ni Erich sa IG post kung saan pinakita niya ang natanggap na Gold Play Button sa YT.

“To win: 1. Follow me on Facebook, Instagram and YouTube. 2. Comment down below why you want to receive the tablet and kindly include your contact details. 3. Engage in my pages! Like, Comment, Subscribe and Repost this giveaway. Open to Philippine residents only. Announcement of winners on August 24!” dagdag niya.

Last year lang nagbukas ng account sa YT si Erich kung saan binabahagi niya ang kanyang private life.

Sa ngayon ay mayroon na siyang 1.09 million subscribers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?