239

Dec 13, 2017 @ 17:54
By

Erich, bawal nang pag-usapan si Daniel

Isang kakaiba at mas masayang Erich Gonzales ang humarap sa media para sa lalabas nilang movie nina Jericho Rosales at Jasmine Curtis-Smith, ang MMFF 2017 entry na ‘Siargao’ na dinerehe ni Paul Soriano para sa Ten17 Productions.

Bawal ang tanong tungkol sa personal ni Erich partikular na ang tungkol sa ex niyang si Daniel Matsunaga at ang hiwalayan nito, pati na ang bagong girlfriend ng Japanes Brazilian actor na si Karolina Pisarek.

Isang mapangahas na pagpapa-sexy ang mapapanood kay Erich sa movie nila kung saan makikita ang toned body ng aktres in a bikini.

Ayon kay Erich, pinaghandaan niya ang pagpapa-sexy sa movie.

Pinag-isipan niya ang pagle-level up ng image niya at sabi niya, kung hindi raw niya gagawin ngayon, kelan pa? Kaya naman nag-workout siya nang husto para sa bagong image niya.

Nagpahapyaw pa si Erich tungkol sa status ng personal life niya ngayon.

Sey niya, may mga willing naman daw maghintay sa kanya pero mas gusto niyang mag-focus ngayon sa career at huwag munang pumasok sa panibagong lovelife.

Actually, sa energy ni Erich ay ready na siyang sagutin ang anuman tungkol sa ex niyang si Daniel, kaya lang para protektahan ang aktres, pinakiusapan na lang ang press ng Star Magic Inc., business management ng career ni Erich, na huwag nang usisain pa ang huli sa kanyang nakaraan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?