208

Oct 12, 2021 @ 21:14
By

Erice, iba pang LP member umanib kay Isko

Lumayas sa Liberal Party (LP) ang matagal nang miyembro nito na si Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice dahil sa kawalan umano ng plano ng partido sa darating na eleksyon at problema sa pamumuno ni Vice President Leni Robredo.

Umanib si Erice sa Aksyon Demokratiko, na sumusuporta sa pagka-presidente ni Manila Mayor Isko Moreno.

“By September 15 nag-resign na ako kasi sabi ko, mukhang irrelevant na ‘yong partido dahil hindi na nakakaganap ng tungkulin nito. I think it’s a problem of leadership sa partido, at tama naman ako — dahil maski si Vice President Leni hindi siya tumakbo sa Liberal Party,” pahayag ni Erice sa panayam sa ANC.

Nang tanungin kung sa palagay niya ay ang kawalan ng pamumuno ni Robredo ang nangyari sa LP, sumagot si Erice ng oo.

Kinumpirma rin niya na maraming miyembro ng LP ang umalis na.

“I think so, I think so. Kasi siya ang inaasahan namin na magbibigay ng direction sa aming lahat sa Partido Liberal. Noong umalis ako marami nang tumawag sa akin na Liberal Party members and they joined Aksyon Demokratiko, even in the Visayas,” wika ni Erice.

Sa ngayon ay si Erice na ang chairman ng Aksyon Demokratiko para sa National Capital Region operations nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?