52

Oct 24, 2020 @ 22:17
By

Eric Yap kasama sa judge ng Miss U PH, mga netizen nasuka

Tinuligsa ng ilang netizen ang pagkakabilang ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa mga finals judge ng Miss Universe Philippines 2020.

Karamihan kasi ng kasamang judge ni Yap ay mga beauty queen din o may kaugnayan sa mga pageant gaya nina Janine Tugonon, Ariella Arida, Jackie C. Aquino, Samuel Salonga Versoza, Jr., Raymond delos Santos, Venus Navalta, Harry Roque, Baguio First Lady Arlene Magalong at Arthur Peña.

Reaksyon ng mga netizen, pati ba naman daw beauty pageant ay pinopolitika ng kongresista.

@WazzupPilipinas: “Eric Yap?! Seriously? Way to invalidate the hard work of the candidates by inviting scum to the judging panel. Another reason we want to puke while watching this pageant.”

@KIKIniNATHAN: “Tangina eric yap and harry roque?? Ang daming pwede gawing judge tapos sila pa? Pati miss universe pinupulitika niyo din??? Sino ba organizer netong miss u?? Pinagisipan niyo ba ng mabuti yan??? Face vomiting.”

@GeologerGordon: “Sobrang excited pa naman ako tonight kasi Miss South Africa mamayang 10pm tapos Miss U Philippines bukas ng 9AM tapos kasama sa judge si Eric Yap haha sorry pero nakakaturn-off talaga pero I’m still rooting for the girls.”

@Imajalcantara23: “I’m sorry Miss Universe Philippines my expectations from u was so high but I’m disappointed on how u chose your judges for the coronation night. Eric Yap?? Those people has no sense of credibility! They are not fit to be a judge especially in this kind of platform.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?