8

Sep 15, 2020 @ 15:45
By

‘Eric Yap bakit naging caretaker ng Benguet?’

Imbes na politiko mula Baguio o Mountain Province, bakit nga ba si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang naging legislative caretaker ng Benguet?

Kuwestiyon ito ni Twitter user @MiaMagdalena, matapos ang kumalat na pagpapangalan ng Benguet General Hospital’s molecular biology laboratory kay Yap kahit pa buhay pa ito.

“You know what else makes us scratch our heads in wonder here in Benguet? It’s how the heck did Eric Yap become the caretaker of the province after our congressman passed away,” sabi ng Twitter netizen ngayong Setyembre.

“We thought maybe the Baguio or Mt. Provincial rep would take over, or maybe we elect a new one, but no,” aniya pa.

Si Yap ang tinalaga ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sumalo sa puwesto ni Rep. Nestor Fongwan Sr., matapos nitong pumanaw dahil sa sakit noong Disyembre 2019.

Una nang sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas na ang “inaasahan natin is coming from the Cordilleras ang congressman na magke-caretaker pero yun naman ang desisyon ng Congress.”

Dapat ding magpapasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Baguio para iendorso si City Rep. Mark Go bilang caretaker congressman, pero tinalaga na si Yap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?