28
Eric Clapton

Eric Clapton: ‘I’m going deaf’

Sharing is caring!

Ibinunyag ni legendary musician Eric Clapton na unti-unti na siyang hindi makarinig.

Sinabi ng 72-anyos na singer sa BBC Two, na plano pa rin niyang ituloy ang pag-perform nang live pero nababahala siya na makaapekto ang iniinda niyang karamdaman.

“I mean, I’m going deaf, I’ve got tinnitus, my hands just about work,” sabi nito. “I mean, I’m hoping that people will come along and see me just because, or maybe more than because I’m a curiosity. It’s amazing to myself that I’m still here.”

Ayon sa Australian Tinnitus Association, ang tinnitus ay pisikal na kondisyon kung saan nakakarinig ng ingay o ringing sa mga tainga o sa ulo ang isang indibiduwal kahit wala namang aktuwal na ingay na nangyayari.

Nagpa-interview si Clapton sa BBC Two bilang parte ng documentary tungkol sa kanya na, “Eric Clapton: Life In 12 Bars”.

Noong 2016, sinabi niyang na-diagnose siyang may peripheral neuropathy – isang kondisyon na nagreresulta ng paghina ng mga muscle, pamamanhid at pangingilig ng mga paa o mga kamay, at nawawalan din ng balanse at koordinasyon.

Huling album na inilabas ni Clapton ay ang “I Still Do”, noong 2016.

Kilalang English rock and blues guitarist, singer, at songwriter si Clapton.

Tatlong beses siyang pumasok sa Rock and Roll Hall of Fame: una ay noong solo artist siya at sumunod ay bilang miyembro ng Yardbirds at ng Cream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?