27

By

ERC prinotesta sa planong paggamit ng Atimonan coal plant

Sharing is caring!

Kinundena ng mga consumer at power groups ang inihayag ng Energy Regulatory Commission (ERC) na makakatulong sa problema ng mga consumer ang pagkakaroon ng kauna-unahang ultra-supercritical pulverized coal plant sa Atimonan.

Ayon kay Center for Energy, Ecology, and Development Executive Director Gerry Arances, ang power supply agreement ng Atimonan One Energy ay mananatiling lumalabag at hindi pa nakatutugon sa mga problemang kinahaharap ng mga mamimili at hindi masasabing Energy Project of National Significance (EPNS) na may mabilis na proseso para sa enerhiya.

Sinabi pa ni Arances na bakit umano pahihintulutang ilabas ang isang proyekto na hindi pa kayang tugunan ang isang problema. Ang kailangan ng mga consumer ay malinis na enerhiya na kaya naman nilang magamit. Hindi umano sapat ang Atimonan coal plant na magbigay ng malinis na supply.

“Giving a green light to another dirty coal plant is just plan business-as-usual,” dagdag pa ni Arances.

Paliwanag pa ni Arances, simula sa unang araw, nagbibigay na ng special treatment ang Energy Regulatory Commission sa Meralco at sa pito nitong power supply agreements applications sa kabila ng nagaganap na maanomalyang Meralco at ERC’s sweetheart deals.

Kaugnay nito, hindi nagustuhan ng ilang grupo ang sinabi ni Meralco Chairman Manny Pangilinan na posibleng i-convert ang Atimonan One Energy coal plant sa merchant facility na kung saan tinitiyak nila na ang naturang desisyon ay may kaugnayan sa pera o ‘money matters’.

Paliwanag nito, ang paglipat ng coal plant sa merchant facility ay pinapahintulutan ang mga power plant na mag-operate nang walang long-term power purchase agreement para sa kinukonsumong kuryente.

Kaya naman, nananawagan ang grupo na ihinto na sana ng pamahalaan ang pagtitiwala sa ilang malalaking kumpanya na tulad ng Meralco na hindi kayang tugunan ang lumalalang problema sa power industry habang ang power giant na tulad ni Pangilinan ay ginagamit lamang ang electricity service bilang negosyo habang hindi naman nasosolusyunan ang problema sa elektrisidad sa bansa.

Kailangan bansa ay malinis at abot kayang enerhiya na makatutulong sa mga consumer at makababawas sa buwanang gastusin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?