31

Dec 24, 2017 @ 13:54
By

ERC, lagyan ng ‘temporary commissioners’ – Dy

Iminungkahi ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga muna ng pansamantalang kapalit ng apat na suspendidong commissioners ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito ayon kay Herrera-Dy ay para matugunan ang “matters of quorum” at magtuloy-tuloy ang operasyon ng ERC.

Tinukoy ng kongresista ang nakasaad sa Administrative Code of 1987 na maaaring magamit para punan ang bakanteng puwesto sa ERC.

“Sections 16 and 17 of Chapter 5 of the Administrative Code of 1987 allow for temporary appointments lasting up to one year,” pahayag ni Herrera-Dy.

Sabi pa ng kongresista, pwedeng kunin ang dalawang temporary appointees sa ranking career civil servants ng ERC na walang kaso sa Ombudsman habang ang dalawang iba pa ay maaari anyang hiramin mula sa ibang energy agencies o sa University of the Philippines.

“If one or some of them have terms expiring within the one-year suspension from the Ombudsman, then it would save the government a lot of trouble or hassle later on if one or some of the temporary appointees could be given permanent appointments effective the day after the expiration dates,” ayon sa mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?