89

Dec 21, 2017 @ 12:01

ERC commissioners na pumabor sa powers firms ni MVP, suspendido!

Ipinag-utos ng tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsuspinder sa lahat ng commissioners of the Energy Regulatory Board, maliban sa kanilang chair na si Agnes Devanadera.

Ang mga sinuspinde ay sina Commissioners Alfredo J. Non, Gloria Victoria C. Yap-Taruc, Josefina Patricia M. Asirit, at Geronimo D. Sta. Ana.

Ayon sa Politiko news website, ang dahilan ng suspensiyon sa mga ERC officials ay bunsod ng pagpabor nila sa kumpanya na pag-aari ni Manuel V. Pangilinan para sa power supply agreements (PSAs).

Nabadtid na nagpatawag ng meeting ang ERC noong Miyerkules matapos matanggap ng mga commissioners ang suspension order.

Naghahanda na rin ang Ombudsman ng paghahian ng criminal charges laban sa mga commissioners kaugnay ng nasabing isyu.

Nauna nang inakusahan ng environment groups ang ERC hinggil sa pagbago ng competitive selection process (CSP) mula Abril 30, 2016 sa November 30, 2016 para i-exempt ang PSAs public bidding.

Abril ng nagdaang taon nang mag-apply Pangilinan-owned Manila Electric Company (Meralco) na PSAs sa pamamagitan ng kanilang pitong coal-fired power plants na nakakalat sa buong bansa.

Ang mga kumpanyang ito ay Redondo Peninsula Energy Incorporated, Atimonan One Energy Incorporated, Central Luzon Premiere Power Corporation, St Raphael Power Generation Corporation, Global Luzon Energy Development Corporation, Mariveles Power Generation Corporation at Panay Energy Development Corporation.

Sabi ng environmental groups ang proyektong ito ng Meralco ay dapat sumailalim sa CSP.

Nagbabala pa ang grupo makakasama sa kalusugan ng tao kung aaprubahan ng ERC na PSA sa Meralco dahil magreresulta umano ito sa paggamit ng 3,551 megawatts ng coal o uling.

Hindi kasama si Devanadera sa suspension order ng Ombudsman dahil kaa-aapoint lang sa kanya ni Pangulong Duterte noong Nobyembre ng taong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?