31

Oct 9, 2017 @ 17:14

ERC chair sinibak sa puwesto ni Duterte

Isa  pang  presidential appointee ang  pinatalsik sa  serbisyo makaraang  mapatunayang  guilty sa two counts ng  simple  misconduct at  grave  misconduct.

Sa inilabas na desisyon na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sinibak sa  puwesto si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman at Chief  Executive  Officer  Atty. Jose  Vicente B. Salazar.

Ang desisyon ay inilabas  ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs noong  Biyernes, October 6, 2017.

Napatunayang tinangka ni Salazar na impluwensiyahan ang  proseso sa  pagbili ng   audio visual project ng  ERC para  matiyak  na  makuha  ng  pinaborang  supplier  ang  kontrata.

Ginamit  din umano ni Salazar ang  kapangyarihan  ng  hindi kinunsulta  ang  ibang  opisyal  ng ERC para  maglabas  ng  direktiba  kaugnay sa  renewal  ng  Electric Power Purcahse Agreements  ng  ilang  distribution  utilities , pati na ang  pagtalaga  ng  ilang  ERC officials  at  ilang  empleyado ng  walang  pahintulot  ng  ibang Commisioner.

Nakapaloob din sa  desisyon  na  hindi na  maaaring  maitalaga  sa  alinmang  puwesto sa  gobyerno si Atty. Salazar  at  hindi  na  rin  ito  makukuha  pa  ang  kanyang retirement  benefits.

“In the Decision signed by the Executive Secretary last Friday, the Office of the President has found Atty. Jose Vicente B. Salazar administratively liable for two (2) counts of Simple Misconduct and one (1) count of Grave Misconduct. The dismissal from Grave Misconduct carries with it all accessory penalties, including the perpetual disqualification from holding public office and forfeiture of retirement benefits,” ang  bahagi  ng  ipinalabas  na  pahayag  ng  Malacanang. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?