164

By

Eraserheads reunion sa UP-Ateneo game, dinurog ni Ely

Sharing is caring!

Binasag ni Ely Buendia ang bali-balitang magkakaroon ng Eraserheads reunion bukas (Dec. 5) sa UAAP men’s basketball finals sa pagitan ng University of the Philippines at Ateneo de Manila University.

Nag-ugat ang pag-aasam ng mga fan sa post kahapon ng drummer na si Raymund Marasigan.

Sa ibinahagi nitong video sa Twitter, makikita ang mga dati niyang kabanda na sina bassist Buddy Zabala at guitarist Marcus Adoro habang nagdya-jam session.

Nilagyan niya ito ng caption na: “praktis before game 2,” na tila ang tinutukoy ay ang Game Two ng UAAP finals.

Mula sa likuran ay makikita ang isang lalaki na blonde ang buhok na inakala ng ilan na walang iba kundi ang vocalist na si Buendia.

Sa pamamagitan ng tweet, sinagot ni Buendia ang espekulasyon sa nasabing reunion.

“Whoever that blond guy in the video is, it’s not me,” aniya.

Nabuo ang grupong Eraserheads habang nag-aaral ang apat sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }