449

Sep 28, 2021 @ 19:12
By

Eraserheads babalik kapag tumakbo si Leni: VP Robredo sumagot

Sumagot si Vice President Leni Robredo sa trending na reply ni Eraserheads frontman Ely Buendia na magkakaroon ng reunion ang kanilang banda kapag tumakbo ang una sa 2022 elections.

Isang fan ang nagtanong kay Buendia tungkol sa Eraserheads reunion sa Twitter nitong Martes.

Tatlong running emoji naman ang tinugon dito ni VP Robredo.

Samantala, wala pang tugon ang iba pang miyembro ng Eraserheads na sina Buddy Zabala, Raymund Marasigan at Marcus Adoro sa mga fan na nag-tag sa kanila ng tweet ni Buendia.

Nabuo ang Eraserheads noong 1989. Isa sa mga kanta nilang sumikat ang “Pare Ko”.

Sa hindi batid na dahilan, iniwan ni Buendia ang banda kalagitnaan ng March 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?