474

Nov 2, 2017 @ 19:14

Erap, nanawagan ng suporta para kay Duterte

Naniniwala si Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na mananatili ang popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga batikos ng mga kalaban nito sa pulitika.

Ayon kay Erap, maraming Filipino ang sumusuporta sa matinding kampanya ni Pangulong Duterte kontra iligal na droga.

“Yung drugs ‘yun ang number one na kalaban natin sa lahat. ‘Yan ang pinakamabigat. The worst crime,” anang alkalde.

Kaya naman nananawagan si Mayor Erap sa publiko na suportahan ang lahat ng adbokasiya ni Duterte.

“Dapat ay magkaisa na tayong lahat na labanan ang krimen,” dugtong niya.

“Mas tiwala ako. Kasi buo ang loob niya, eh. Continuous ‘yung advocacy niya against drugs and corruption,” paliwanag pa nito. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?