410

Nov 22, 2021 @ 20:46
By

Erap kay Jinggoy: Lumaban ka para sa masa

Extra si dating pangulong Joseph “Erap” Estrada sa political advertisement ng anak niyang si Jinggoy, na target makabalik sa Senado.

Sa pag-apir ni Estrada sa ads, pinaalalahanan nito si Jinggoy na ilaban ang kapakanan ng nakararami o ng masa.

Matatandaang nakilala si Estrada sa slogan na “Erap Para sa Mahirap”.

“Ipagpatuloy mo ang paggawa ng mabuti sa higit na nakakarami. Ang higit na nakakarami ay ang masang Pilipino.

“Kaya lumaban ka. Kumasa ka para sa masa,” saad ni Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?