58

By

Erap kasama sa paghahain ng COC ni Jinggoy

Sa muling pagtakbo ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Senado, akay niya ang kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada sa paghahain ng kandidatura ngayong Martes.

Ang kanyang kapatid na si JV Ejercito ay nauna nang nag-file noong Lunes, sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Tinanong naman si Erap ng mga reporter kung bakit hindi niya sinamahan si JV sa Comelec noong maghain ito ng kandidatura.

“Hindi ko alam eh. I was not informed,” maikling tugon niya.

Kasalukuyang nakalaya sa bisa ng piyansa si Jinggoy dahil sa kaso ukol sa P183-million plunder kaugnay ng hinihinalang P10 billion pork barrel scam. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?