53

By

Erap hirap masugpo ang iligal na droga sa Maynila

Sharing is caring!

Mukhang nahihirapan si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na makontrol ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa lungsod kung kaya’t sumaklo na ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para masugpo ito.

Sabi ni Estrada, maabot lamang nila ang “drug-free” Manila kung matutulungan sila ng PDEA lalo’t inalis na ang anti-drug operations sa Philippine National Police (PNP).

“We welcome PDEA here in Manila. I’m looking forward to our partnership with them,” pahayag ng alkalde matapos ang courtesy call ng bagong talagang director ng PDEA-National Capital Region na si Ismael Fajardo.

Ayon kay Estrada, “welcome development” ang kooperasyon ng PDEA sa lokal na pamahalaan, partikular na sa kampanya kontra droga.

“It’s always a welcome development whenever we get more support. Drugs is a scourge that we should unite against to save our country and our youth,” dagdag pa ni Estrada.

Sa kanilang pag-uusap, agad pinagbigyan ni Estrada ang hiling ni Fajardo na magkaroon ng sariling opisina ang PDEA-Manila District na siyang mangunguna sa drug operations sa lungsod.

Nangako pa si Estrada na ipapaayos ang isang ispasyo sa Manila Youth Reception Center (MYRC) Complex malapit sa Manila North Cemetery upang magamit ng mga kagawad ng PDEA-Manila. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?