202
ABANTE vendors era manila baywalk rizal park
Jan 16, 2018 @ 9:52
By

Erap: Bawal magtinda sa Baywalk, Rizal Park

Inihayag ni Mayor Joseph “Erap” Estrada na hindi na niya pinapayagan magtinda ang maliliit na vendor sa paligid ng Baywalk at ng Rizal Park.

“Hindi ko sila pinahihintulutan na magtinda doon, … Gusto ko man silang tulungan, pero lalabag naman tayo sa batas,” sabi ni Mayor Estrada.

Ilang ulit nang tinanggihan ni Erap ang kahilingan na ito ng mga vendor na payagan sila na magtinda sa Baywalk, Rizal park at iba pang Tourist Belt sa Maynila.

Noong isang taon ay ilang ulit na dumulog ang mga miyembro ng United Vendors Alliance sa tanggapan ng alkalde pero tumanggi itong magbigay ng hawker’s permit sa mga sidewalk vendor sa paligid ng naturang lugar.

Ipinangako naman ni Erap na titingnan niya kung ano ang kanyang magagawang tulong at hahanap siya ng magandang lugar para sila ay makapagtinda.

“Sa ngayon, hindi sila pwedeng magtinda talaga doon,” ani Erap. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?