259

Sep 22, 2021 @ 18:58
By

Epy Quizon inayawan P30M ng politiko

Milyonaryo na raw dapat si Epy Quizon pero tinanggihan niya ang alok na malaking halaga ng isang politiko para sa kanta niya.

Sa Oktubre ilulunsad ang komposisyon niyang “Lukso Ng Dugo” na theme song ng kanyang advocacy program na MagkaisaPH.

Nasa 30 artists kabilang na sina Gary Valenciano at Yeng Constantino ang suportado ang kanta.

Ani Epy, walang kinalaman sa politika ang paglulunsad niya ng MagkaisaPH kundi nag-ugat nang kunin siyang peace advocate ng Noynoy Aquino administration.

Naging inspirasyon din daw niya sa pagsulat ng naturang kanta ang Marawi siege.

Hindi nga raw siya nagpabulag nang alukin siya ng P30 milyon ng isang politiko.

“Napaisip ako, nabulag ako for a few minutes and told my friend, director Jourdan Sebastian, solved na tayo dito,” aniya.

“I just told them I can make you another song but not this one, this is now owned by the artists who collaborated with me. It’s not about Epy Quizon,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?