29

Epekto ng lindol: Mga aso’t pusa sa Mindanao, kailangan din ng donasyon

Maliban sa mga taong nasalanta sa lindol ng Cotabato, nangailangan din ang mga residente doon ng donasyon para sa mga aso at pusa sa lugar.

“Maiba naman tayo. How about our animals, particularly dogs and cats who are also victims of the said calamity? May mga buhay din sila, kelangan din nila mabigyan ng pagkain and other needs. Kaya nanghingi na naman ako ng donation galing sa inyo. Thank you so much for the generosity of our fellow Dog Lovers-Animal Welfare Advocates,” sulat ng isang miyembro ng Davao Dog Rescue Volunteers na si Sonia Tata William sa isang Facebook post ng Nobyembre 5.


Noong Miyerkoles ay binigyan ng mga dog food, neck collar, leash at vitamins ang mga nangangailangan na biktima ng lindol na mga pet owner.


Makikita sa mga ibinahagi na larawan ang sako sakong mga pagkain para sa aso’t pusa na ipapamahagi sa mga alaga ng mga lokal doon. Linya-linya din ang mga donasyon na dog leash.

Magkakaroon ulit sila ng sunod na batch sa Nobyembre 9 at 10 para sa mga susunod na donasyon. Nanghingi ulit ng tulong si William sa Facebook para dito:

“I am again asking your kind hearts baka meron pa kayong maibigay na mga Dog food donations, dog neck collar and Leashes, vitamins and etc para sa mga kawawa natin na alagang hayup our Dogs and cats in particular na biktima din sa dumaan na lindol,” sulat ni William sa kanyang Facebook post ng Nobyembre 7.


Ayon sa animal advocate, karamihan sa mga alagang hayop ng Cotobato ay walang makain dahil nanghihingi lang din ng suporta ang mga dog owners nila. Dagdag niya na tira tira lang ang nakakain nila at minsan ay wala talaga.

Para sa mga gustong tumulong maaring i-mensahe ang Davao Dog Rescue Volunteers Group o kaya’y mag-iwan ng donasyon sa mga drop off points na ito:

1) ARCA VERDE Veterinary clinic, in front of SHELL gas station Quimpo Blvd. near John Paul College.

2) CELESTIAL ANIMAL CLINIC in front of Ateneo High School, Matina.

3) DAVAO VETERINARY CLINIC, Gov. Sales St. Back UCPB Bank Uyanguren.

https://www.facebook.com/DRVDC2018/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?