57

Dec 28, 2017 @ 16:05
By

Epektibong lider si Alvarez – solons

Nagkakaisa ang mga miyembro ng Kamara sa nagbunga na ang mahusay na liderato ni Speaker Pantaleon Alvarez kasunod nang pagtaas ng performance rating nito.

Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, ang resulta ng SWS survey ay nangangahulugang nakita na ng mga tao ang malaking pagbabago sa Mababang Kapulungan at iyon ay dahil sa epektibong pamumuno ni Alvarez.

Paliwanag ni Vargas, malakas ang alyansa ng administrasyong Duterte sa Kongreso kaya naipatutupad ang kailangang mga lehislasyon para sa reporma.

Para naman kay Quezon City Rep. Winston Castelo, na-appreciate na ng mga tao ang pagiging totoo ng Speaker na sinasabi ang tunay na saloobin para sa interes ng mga Pilipino.

Sabi ni Castelo, gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte, minsan ay unpopular ang mga posisyon ni Alvarez pero dahil sa tapang nito at paninindigan ay merong mga problemang nasosolusyunan.

Sa panig naman nina Negros Occidental Rep. Albee Benitez at Surigao del Norte, malaking bagay na nagawang disiplinahin ni Alvarez ang mga miyembro ng Kamara dahil nagsipag ang mga kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?