124

By

Epektibo sa US: Kabataan imulat sa masamang epekto ng droga – Lacson

Kabilang sa isinuhestiyon ni Senador Panfilo Lacson kay Vice President Leni Robredo ang makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) sa kampanya kontra droga.

Ani Lacson, gayahin ang San Francisco at Los Angeles Police na mayroong Drug Abuse Resistance Education o DARE.

Napaka-epektibo aniya nito sa Amerika na target ay mga elementary student kung saan magtutungo sa mga eskuwelahan ang mga pulis para mag-lecture ng tungkol sa masamang epekto ng droga habang nasa formative years pa ang mga bata at maipamulat na sa kanila ang masamang dulot ng illegal drugs.

Dapat din aniyang palawakin ng Bise Presidente ang intel network nito at magkaroon ng close coordination sa mga foreign counterpart.

“Ma-control mo kung enhance mo intel network mo. Isa pang napag-usapan, dapat palawakin ang network na magkaroon siya ng close coordination with foreign counterparts. Share ko aming experience noong sa PNP pa ako, napakalapit ng aming coordination with US DEA, Australia, HK, even Macau narcotics nila, units doon,” lahad pa ni Lacson sa napag-usapan nila ng Bise Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?