22

Aug 9, 2020 @ 20:31
By

Epektib MECQ! Bilang ng COVID patient sa mga ospital, kontrolado na

Nararamdaman na ng mga ospital ang pagbabago buhat nang muling ipatupad ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang karatig-bayan.

Ayon kay Philippine College of Physicians president Dr. Mario Panaligan, sa ngayon ay hindi na nakakaranas ng pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 patient sa mga ospital, na aniya’y dulot ng striktong lockdown.

“So far based sa feedbacks ng meetings, di naman nadagdagan. Ibig sabihin mas nacontrol — wala pang data pero wala pang data kasi puro feedbacks pa lang during our meetings. We have felt na mas nakatulong yung MECQ in terms of limiting the mobility ng mga tao but then again we still observed many people roaming around the streets,” saad ni Panaligan sa CNN Philippines.

Matatandaan na muling binalik ang Metro Manila sa MECQ nitong linggo matapos na dumaing ang medical community sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tatagal ang MECQ hanggang August 18, ngunit may ilang rekumendasyon na palawigin pa ito ng isang buwan tulad ng suhestiyon ni dating National Task Force adviser na si Dr. Tony Leachon.

Aniya, ang mahabang lockdown ang magpapasiguro na bababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa at maghahanda sa Pilipinas sa posibleng pagdating ng bakuna sa Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?