93

Oct 28, 2017 @ 13:45

EPD police, nag-ala-Superheroes

Tradisyon na sa Eastern Police District (EPD) ang magbigay ng programa sa bawat okasyon na nagaganap sa bansa, kaya naman naging matagumpay ang naganap na “Halloween Party Against Criminalities with Saints and Superheroes 2017” kamakailan sa Tanghalang Pasigueño, Pasig City.

Ayon kay P/C Supt. Romulo Sapitula, layunin ng programang ito na mailapit ang mamamayan partikular na ang mga kabataan sa kapulisan kaya gumagawa ng iba’t ibang estratehiya ang kanilang pamunuan upang tunay na makilala ang mga pulis.

Lumahok sa nasabing programa ang mga pulis na gumanap bilang santo at mga superhero suot ang kanilang makukulay na costumes at nagpasikat sa kanilang mga talento.

Marami ang bumilib sa ginawang okasyon na ito ng EPD sa pamumuno ni Sapitula na kung saan ay ipinakita ang galing ng mga superhero na kaya rin ng kapulisan.

“This activity is a way of the police officers to showcase their talents and promote camaraderie in units/offices prior the deployment during the celebration of All Saints’ Day and All Souls’ Day,” ayon pa kay Sapitula.

Matatandaang pinasikat ni Sapitula ang nagdaang “Gwapulis” program, na ipinakita ang mga pulis na guwapo na, may talento pa. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?