By

EPD, nanindigang walang criminal intent ang mga pulis sa Mandaluyong shooting

Sharing is caring!

Nanindigan ang Eastern Police District (EPD) na walang nakitang criminal intent sa panig ng mga pulis na sangkot sa kontrobersiyal na Mandaluyong shootout.

Ayon kay Special Investigation Task Group Shaw Chief Sr. Supt. Florendo Quibuyen, na ito ang lumabas sa kanilang imbestigasyon sa nagyaring insidente.

Kaya naman homicide at hindi murder ang ikinaso nila sa mga sangkot na pulis.

Napatunayan aniya nila na ginawa lang ng mga pulis ang kanilang trabaho na rumesponde sa nangyayaring krimen.

Sa imbestigasyon, napaniwala agad ang mga pulis na armado ang mga sakay ng AUV kaya niratrat nila ng bala ang sasakyan.

“At that time they acted in the performance of their duty. Kung bakit madami pumutok it’s because they were to believe that the vehicle was armed and there were already exchanges of fire prior to their arrival or prior to the pursuit,” sabi ni Quibuyen.

Matatandang sa nangyaring pamamaril ay dalawa ang nasawi. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?