95

By

EPD at NPD, binalasa ni Albayalde

Sharing is caring!

Binalasa ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde ang mga opisyal ng Eastern Police District (EPD) at Northern Police District (NPD).

Ito ay matapos na tanggalin ni Albayalde si EPD director Chief Superintendent Reynaldo Biay at NPD director Chief Superintendent Amando Clifton Empiso sa kanilang mga posisyon umpisa nitong Huwebes, June 14.

Si National Capital Region Police Office (NCRPO) deputy regional director for operations Chief Superintendent Gregorio Lim ang papalit kay Empiso at magsisilbing NPD acting director.

Itinalaga naman ni Albayalde si Chief Superintendent Alfred Corpus na deputy director ng PNP Directorate for Intelligence bilang acting director ng EPD.

Inilipat naman si Biay bilang bagong deputy director ng PNP Directorate for Intelligence, habang si Empiso ang magsisilbing bagong NCRPO deputy regional director for operations.

Ito ang pangalawang balasahan mula nang mapili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Albayalde bilang kapalit ng nagretirong PNP Chief na si Ronald “Bato” dela Rosa.

Noong June 1, itinalaga ni Albayalde si Director Guillermo Eleazar bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kapalit ni Director Camilo Cascolan na inilipat sa Civil Security Group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?