77

By

ePayment kontra sa ‘no show’ na aplikante ng passport, inilunsad ng DFA

Sharing is caring!

Pormal na inilunsad nitong Huwebes ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bagong Passport e-Payment System nito.

Sa ilalim ng sistema, kailangan nang i-prepay ng mga aplikante ang processing fee para sa passport bago ang appointment nito sa mga consular office ng DFA.

Pero ayon kay Foreign Assistant Secretary Frank Cimafranca, ipapatulad muna ang bagong sistema sa mga appointment sa DFA Aseana Consular Office sa Diosdado Macapagal Avenue, Parañaque City simula sa Hunyo.

Uumpisahan naman itong ipatupad sa Metro Manila sa Hulyo at sa buong bansa sa Agosto.

Umaasa ang DFA na dahil sa ePayment, matitigil o mababawasan na ang mga “no show” na aplikante ng pasaporte sa mga consular office nito.

Ang mga aplikante ay maaaring magbayad ng kanilang mga processing fee sa mga Bayad Center, convenience store pati sa ka-partner nitong pawnshop at tatanggap bayad mula sa credit o debit card.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?