12
duterte-sign
By

EO vs. ‘endo’ pinirmahan na ni Duterte, pasaway na employer pupugutan ng ulo

Sharing is caring!

Opisyal nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sistemang “endo” o end of contract para sa mga manggagawa matapos pirmahan ang isang Executive Order (EO) sa harap ng mga manggagawa sa Cebu ngayong Labor Day.

Sa kanyang talumpati sa ika-116 Labor Day celebration na ginanap sa Mabolo, Cebu sinabi ng Pangulo na limitado lamang ang magagawa ng pinirmahang EO kaya’t umapela sa Kongreso na magpatibay ng batas na tuluyang magbabawal sa “endo”.

Kailangan aniyang amyendahan ang kasalukuyang umiiral na Labor Code ng bansa para magkaroon ng security of tenure ang mga manggagawa sa kanilang trabaho.

“I remain firm in my commitment to put an end to “endo” and illegal contractualization. However, I believe that in order to implement an effective and lasting solution to the problems brought about by contractualization, Congress needs to enact a law amending the Labor Code.

“Mura ni akong pinakakaya, sinagad ko na. A separation of tenure refers the right of employees not to be dismissed or removed without or just unathorized cause and observance of procedural due process consistent to the Constitution and Labor Code as amended and prevailing jurisprudence. So pirmahan na nako sa inyong atubangan,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na tumupad na siya sa kanyang pangako noong kampanya na wawakasan ang “endo”.

Mahigit isang siglo na aniya ang nagdaan na isineselebra ang Labor Day subalit hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang pakikipaglaban ng mga manggagawa para sa mas maayos na buhay.

Dahil dito tiniyak ng Pangulo na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay hindi titigil para mabigyan ang bawat manggagawang Filipino ng sapat, may dignidad at makabuluhang trabaho.

“I assure you that this government will never cease in its effort to provide every Filipino worker with full, dignified and meaningful employment. They deserve no less than decent and comfortable life,” dagdag ng Pangulo.

May mensahe naman ang Presidente para sa mga pasaway na employer na hindi susunod sa batas lalo na para sa mga manggagawa, pupugutan aniya ng ulo ang mga ito.

Inatasan na ng Presidente ang Department of Labor na isumite sa kanyang tanggapan ang listahan ng mga kumpanyang nagpapatupad pa rin ng “labor only contracting”.

“To all non-compliant and abusive employers under so called “cabo” who are engaged in labor contracting, your days are numbered. I have warned you before and I’ll warn you again. Putlan ta mug ulo. Stop endo and illegal contractualization,” ang pahayag pa ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?