eo-dti
By

EO sa ‘endo’ ng labor groups, delikado – DTI

Sharing is caring!

Tinapat ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na ang itinutulak na Executive Order (EO) ng labor groups para mawakasan na ang kontraktuwalisasyon ay delikado para sa sektor ng paggawa.

Ang tinutukoy ni Lopez ay ang inihanda ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na kanilang isinusubo kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapirmahan bilang executive order.

Katuwiran ng kalihim, ang panukala ay maaaring magdulot ng mababang pamumuhunan sa Pilipinas at mababang bilang ng malilikhang mga bagong trabaho.

Paliwanag pa ni Lopez, nais ng mga grupo na ang ‘direct hiring scheme’ ang maging pamantayan sa pagtatrabaho.

Kahapon, hindi natuloy ang pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa labor groups sa Malakanyang kaya’t hindi rin naisakatuparan ang pagpirma sa executive order.

Ayon sa Palasyo, sa Mayo 1, kasabay ng paggunita sa Araw ng Paggawa na lang ilalabas ang bagong kautusan hinggil sa pagbabawal sa kontraktuwalisasyon at end of contract sa mga manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?