9
harry-roque
By

EO para sa ‘endo’ ilalabas ni Duterte bago mag-Labor Day

Sharing is caring!

Inaasahang magpapalabas ng Exective Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga arawang manggagawa sa pribadong sektor bago dumating ang Labor Day o sa Mayo 1.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na personal niyang nakausap ang Pangulo at desidido ito na matupad ang ipinangako niya noong panahon ng kampanya para sa mga manggagawa.

Sinabi pa aniya ng Pangulo na ang ilalabas na EO ay pabor para sa mga manggagawa.

“I know that the President is restive about this EO. He has mentioned to me personally that this is a campaign promise that he wants to deliver to the people very soon. It would be an EO that will side with the labor forces,” ani Roque.

Kasabay nito nilinaw ng kalihim na hindi ngayong Lunes ang nakatakdang paglagda ng Pangulo sa EO tulad ng ipinakalat ng ilang labor groups.

Wala aniya sa official schedule ng Pangulo ngayong Lunes ang inilabas na impormasyon ni Alex Tanjusay ng Trade Union Congress of the Philippines na ngayong araw pipirmahan ang kautusan na magtutuldok sa endo ng mga manggagawa sa bansa.

“I can only surmised that the final version of the EO has not been agreed upon by both labor, management and government. It’s a tripartite document which has to be agreed upon. Possibly they don’t have a final version yet,” ani Roque.

Ang pagtatapos ng “endo” ay matagal nang hinihintay ng mga arawang manggagawa at umaasang mararanasan din nila ang mga benepisyong tinatamasa ng mga regular sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?