57

By

EO ng deklarasyon ng CPP-NPA bilang terorista, handa na – Duterte

Sharing is caring!

Inihahanda na ng Malacañang ang isang Executive Order na magdedeklara sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army bilang mga terorista.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na binabalangkas na ng mga abogado ng Palasyo ang deklarasyon para opisyal na maihanay ang kilusang komunista sa listahan ng mga teroristang grupo.

Nauna nang idineklara ng Estados Unidos at European Union ang grupo ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison bilang mga terorista.

Sinabi ng Pangulo na may mga nagtatangkang kumausap sa kanya pero hindi niya ito pinagbigyan dahil hindi niya bibigyan ng pagkakataong makipag-usap sa kanya ang mga terorista.

“Ang NPAs pinutol ko na,because they are not really serious. They do not have the second echelons to carry the fight amd they just want to be comfortable. I am preparing now…they are preparing the executive order declaring them to be terrorists and they will be afforded the treatment of being criminals,” pahayag ng Pangulo.

Kasabay nito pinag-iingat ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at pulis dahil nasa opensiba na ang mga NPA partikular ang sparrow unit ng mga ito.

Kapag nailabas ang deklarasyon ay aarestuhin ang mga rebelde at muli namang ikukulong ang mga pansamantalang pinalaya.

Pero sinabi ng Presidente na hahayaan na lamang niya ang mga edad 70 pataas dahil matanda na ang mga ito at mahina na at mahihirapang mamundok.

“Out of humane reasons, those who were 70 above like me, parang ako na ang napapagod para sa kanila, although leaders sabi ko “sige you can go”, anyway they cannot go far,” ang dagdag pa ng Pangulo.

Mas madali aniyang hanapin ang mga may edad ng komunista sa mga ospital o mga kuwarto at nagpapahinga na lang. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?