34
tucp
By

EO kontra ‘endo’ pipirmahan na ni Duterte – TUCP

Sharing is caring!

Lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang final draft ng Executive Order (EO) sa Lunes, Abril 16 na magtatakda kung ano ang mga trabaho na maaari at hindi puwedeng isailalim sa “end of contract” o “endo”, seasonal at contractual.

Ayon kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, natanggap na ni Pangulong Duterte ang kopya ng draft EO kahapon (Abril 13).

Naniniwala ang ALU-TUCP na lalagdaan ito ng Presidente bilang pagtupad sa kanyang pangako na tapusin na ang laganap na kontraktuwalisasyon at “endo”.

Alas-kuwatro ng hapon sa Lunes isasagawa ang paglagda sa Malakanyang na tutunghayan ng iba’t ibang labor leaders.

Tinatayang nasa 28 milyon na manggagawa ang kontraktuwal sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?