50
Enzo super happy sa dyowang si Claudine
By

Enzo super happy sa dyowang si Claudine

Nagpahayag ng kasiyahan si Enzo Pineda sa pagtanggap ng dyowa niyang si Claudine Jay sa trabaho niya sa showbiz.

Sa tsikahan ng Abantelliling kay Enzo kasama si Dondon Sermino, hindi na nag-deny pa ang aktor sa estado ng relasyon nila ng non-showbiz girlfriend, at umamin na itong syota niya ang nasabing babae.

Bago pa kasi ito nag-post si Claudine sa kanyang Instagram wall ng mga larawan nila ni Enzo sa Hong Kong at video ng aktor sa pangangampanya nito sa isang party list.

Nag-shout out si Claudine sa malaki niyang paghanga at ipinamagmalaki niya ang dedikasyon ni Enzo sa trabaho at ang pakikisalamuha nito sa mga OFW kahit wala pa itong tulog at pahinga.

Sa panayam namin kay Enzo sa presscon ng “Nang Ngumiti Ang Langit” na pinagbibidahan ng child star na si Sophia Reola, na mapapanood sa ABS-CBN 2 bago mag-‘Its Showtime’, masaya niyang ipinagmalaki ang pagkakaroon niya ng girlfriend na gaya ni Claudine.

“It’s a good kind of relationship,” ang deskripsyon ni Enzo sa takbo ng pagmamahalan nila ni Claudine.

Ayon kay Enzo, kaya raw sila nag-click ni Claudine dahil parehas sila sa maraming bagay. At sobrang relax at chill na babae raw ni Claudine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?