306
Enzo, Ruru, Derrick nagpatigasan nung Araw ng mga Puso
By

Enzo, Ruru, Derrick nagpatigasan nung Araw ng mga Puso

Nagpasilip ng kanyang magandang katawan si Enzo Pineda sa Instagram post nito, at sinasabing handa na siya para sa Valentine’s Day.

Sa post ni Enzo, makikitang nag-selfie ang aktor sa salamin habang nakatapis lang ng tuwalya ang kanyang pang-ibaba. Lantad na lantad ang toned-body ni Enzo na parang tinatakam niya ang kanyang mga female at gay follower.

Sa caption ng, nagbigay ng ideya si Enzo sa isang mainit na pag-celebrate ng Valentines’ day. Hindi nga lang nito sinabi kung sino ang makaka-date niya, pero mukhang masuwerte at liligaya nang todo ang makakatikim ng tigas ng katawan ng aktor.

Actually, hindi lang naman si Enzo ang male star na naghuhubad sa social media, isa na rito ay ang mga dati niyang kasamahan sa Kapuso Network na si Ruru Madrid at Derrick Monasterio.

Tila laging naiinitan si Ruru dahil lagi itong walang pang-itaas sa kanyang mga post.

Mula nang maging borta (gumanda ang katawan) si Ruru, ipinangalandakan na niya ito sa kanyang mga Instagram follower.

Hindi naman pahuhuli ang isa pang certified hunk na si Derrick, na ayaw rin paawat sa pagpapakita ng kanyang abs.

Kungsabagay, ang nagbenipisyo naman ng mga half-naked photo ng mga nabanggit na lalake ay ang mga netizen.

Ang sarap ngang makita sila na nagpapasilip ng kanilang matitigas na katawan, lalo na sa ‘Araw ng mga Puso’ ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?