23

Sep 20, 2020 @ 19:17
By

Enzo Pineda COVID survivor na

Inanunsyo ng aktor na si Enzo Pineda na matagumpay niyang nalampasan ang banta ng COVID-19.

Sa kanyang Instagram post, binahagi nito na siya’y COVID-19 survivor na sa tulong ng mga health frontliner sa Cardinal Santos Medical Center.

“Officially a COVID-19 Survivor I want to thank my loving family & friends who kept me and my Dad in good spirits,” lahad ni Pineda.

“Thank you to all the hardworking doctors,nurses, & crew of Cardinal Santos Medical Center who took good care of me and my Dad. Mga bayani kayo and salamat sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niyo para sa ating bayan,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?