34

Sep 21, 2020 @ 11:45
By

Enzo Pineda COVID-survivor na

Sunud-sunod na pasasalamat ang binigkas ni aktor Enzo Pineda nang isapubliko niya na gumaling na siya mula sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Matatandaang sinabi ni 1PACMAN Partylist Representative Eric Pineda, Setyembre 5, na nahawa siya sa coronavirus at winarningan ang mga nakasalamuha niya for the past five days.

Ang mambabatas ang tatay ng aktor.

“Officially a Covid-19 Survivor💪🏻,” sey ni Enzo sa Facebook, Setyembre 20.

“I want to thank my loving family & friends who kept me and my Dad in good spirits. Thank you to all the hardworking doctors, nurses, & crew of Cardinal Santos Medical Center who took good care of me and my Dad. Mga bayani kayo at salamat sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niyo para sa ating bayan.”

“Most importantly I want to thank God for giving me strength. Definitely this pandemic made me more closer to Him. I promised God that I will come out stronger mentally, physically, & spiritually after this experience. God is good🙏🏻,” aniya pa kalakip ang nakangiting larawan niya, at larawan ni Rep. Pineda sa hospital bed.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?