616

Jun 21, 2020 @ 18:19
By

Enzo pinalaki ng solo parent, Edu pumalag

Hindi nagustuhan ni Edu Manzano ang paratang ng dating beauty queen na si Aurora Pijuan na mag-isang pinalaki si Enzo Manzano ng kanyang ina.

Ayon kay Aurora, dapat ay bigyang pagkilala si Rina Samson sa paglaki ni Enzo, na gumawa ng ingay matapos na solong magprotesta laban sa Duterte administration sa laban ng United Nations Headquarters sa New York.

Si Rina ay ang dating live-in partner ni Edu, kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak.

“It is unfortunate that media has been identifying him as the son of Edu and never mentioned who the mother is, in spite of the fact, he was raised by that lady as a single parent. Rina Samson,” ayon kay Aurora, na dating Miss International 1970 titleholder.

Bumwelta naman si Edu sa pahayag ni Aurora, naglabas ng ebidensya na kasama siya sa pagpapalaki ni Enzo.

“What’s your problem? That’s from the Lola. You know her very well. WE raised him! Stop spreading your bitterness!” giit ni Edu sa isang screenshot mula sa lola ni Enzo kung saan sinabihang ‘great father’ ang aktor sa pagpapalaki sa binata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?