46

Jan 10, 2022 @ 21:26
By

Enzo ‘itatali’ na si Michelle Vito

May plano na si Enzo Pineda na dalhin sa ibang level ang relasyon nila ni Michelle Vito.

Sa isang interview, sinabi ng aktor na si Michelle na ang nakikita niyang makakasama sa buhay.

“To be honest, anytime puwede naman ako. Because I really see Michelle as… alam n’yo na. And if we’re both ready, why not, ‘di ba? Ako, game na game ako. I would love to spend my time with Michelle,” saad ni Enzo sa Push report.

“Of course, we wouldn’t be in a relationship right now if hindi namin nakikita ‘yung future namin together. Definitely, nasa utak ko ‘yun,” dagdag niya.

Pero sa ngayon, sa tingin niya ay dapat mag-focus muna sila sa kani-kanilang career.

“Michelle is also busy with a lot of things,” ani Enzo.

Mahigit isang taon nang magkarelasyon ang dalawa.

Sinabi rin noon ni Enzo na si Michelle ang isa sa malaking dahilan kung bakit siya nagsusumikap na maging mas mabuting tao araw-araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?