786

Dec 11, 2017 @ 10:26
By

Enzo, inlove sa non-showbiz gf

Inlove na nga ba uli si Enzo Pineda?

Na-intriga at na-curious ang mga fans at followings ni Enzo sa pinoste niyang photo nito sa kanyang Instagram wall sa ibabaw ng isang speed boat kasama ang isang babae.

Nabulabog ang mga followings ni Enzo sa mensaheng sinulat nito sa caption na ipinapalagay ng mga fans niya ay siyang inspirasyon ng “Pusong Ligaw” mainstay.

@its_enzopineda, “The sun, the sea & you.”

Magkatabi sa couch ng boat sina Enzo at ang babae na mukhang hindi tiga-showbiz dahil hindi namin ito kilala. Isa, mahirap din itong makilala dahil naka-dark shades ito.

Nakapatong ang isang hita nang girl sa tyan ni Enzo habang naka-paling naman sa kaliwa ang ulo ng aktor na naka-v sign.

Walang binanggit sa caption nya si Enzo para sa mas malinaw na pagkakilanlan sa babae. First time ring mag-poste nang aktor sa kanyang IG wall nang babae at ganito ang kanyang caption na parang masaya siyang kasama ito sa beach-get-away nya.

In fairness, may beauty rin ang girl na mukhang mahiyain dahil naka-short lang ito at natatakpan ng lace sun-blouse ang kanyang swim-bra.

Sinusulat ang item na ito, wala pang ibang photo posting si Enzo sa kanyang IG kasama ang girl pero isang nagngangalang Leonora ang natuturong kasintahan ngayon nang aktor.

Ito rin ang sinasabing non-showbiz gf ni Enzo may ilang taon na rin silang magka-relasyon.

@ningmumbing “love you two!!@its –enzopineda @leonoraav.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?