36

Sep 3, 2020 @ 20:58

Environmentalist, mangingisda kinondena Manila Bay white sand

Hindi pabor ang mga environmentalist at mangingisda sa plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na buhusan ng white sand ang Baywalk sa Roxas Boulevard.

Giit ni Greenpeace Southeast Asia campaigner Sonny Batungbacal, hindi mareresolba ng pagbubuhos ng white sand ang polusyon sa Manila Bay.

“If the intention of the ‘white sand reclamation’ is to cover up the existing pollution, time would tell when pollutants would leak,” wika ni Batungbacal sa ulat ng GMA.

“This is an aesthetic solution and does not solve pollution at the source,” dagdag pa niya.

Dapat daw na ipatupad ang mga environmental law para maibangon ang Manila Bay mula sa polusyon.

Matagal pa aniya na makakarebober ang Manila Bay dahil sa lawak nito at sa 17 ilog na lilinisin para rito.

“If these rivers are clean, then Manila Bay will be,” aniya pa.

Samantala, tinawag naman ng isang grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA ang proyekto na isang “artificial rehabilitation”.

Ayon sa PAMALAKAYA, nakatuon ay proyekto sa aesthetics sa halip na resolbahin ang mga environmental degradation problem ng Manila Bay.

Ani PAMALAKAYA national chairperson Fernando Hicap, walang maitutulong ang white sand sa rehabilitation at restoration ng Manila Bay.

“Why invest in white sand when you can plant mangrove forests and sea grasses that would restore and balance its marine ecosystem?” aniya.

“No amount of white sand and external beauty can restore Manila Bay if such destructive projects are going through,” dagdag pa niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?