15

Sep 14, 2021 @ 15:49
By

Enrollment pinalawig hanggang September 30

Pinalawig ng Department of Education ang enrollment period para sa School Year 2021-2022.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, lahat ng public school ay inatasan na tumanggap ng mga late enrollee hanggang katapusan ng buwan.

Hinikayat din ang mga pribadong paaralan, state colleges and universities na tumanggap din ng mga late enrollee.

Nagbukas na ang klase kahapon, September 13 kung saan mahigit 25 milyong mag-aaral umano ang nag-enroll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?