117

Jan 2, 2018 @ 17:58
By

Enrique sisikat pa rin kahit wala si Liza

Marami ring pasabog itong si Nick Nañgit sa kanyang prediction sa mga sikat na loveteam na namayagpag nu’ng 2017.

Sabi niya, sa Year of the Dog na magsisimula pa sa February 16 ng taong ito ay lalo raw bobongga ang career ni Liza Soberano bilang pinakamagandang Darna sa balat ng lupa.

Pero hindi rin daw magpapahuli ang ka-loveteam nitong si Enrique Gil. Lalo rin daw aariba ang career ng Kapamilya young actor.

“On his own, okay naman si Enrique. Year of the Monkey siya, if I’m not mistaken. Ang monkey kasi, this coming year na ‘to, will do very well.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?