By

Enrique nangakong paliligayahin si Liza habangbuhay

Sharing is caring!

Ang isa pang sweet-sweetan na hindi na kailangang umamin pa na magdyowa na sila ay sina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa birthday wish nga ni Enrique kay Liza na nagse-celebrate ng kanyang 20th birthday ngayon, January 4, nilanggam talaga ang social media sa kanyang mensahe sa kanyang partner.

“To the woman I call my forever, all I want is for you to be happy in all that you do.

“You fill the gaps in my life with your love, simplicity and kindness.

“Seeing you smile makes me feel completely and genuinely happy.

“I promise to make you smile for the rest of my life. I love you. Happy birthday mi Corazon,” ang sweet na sweet na sabi ni Enrique kay Liza.

Hayan nga, kung hindi nga naman kayo matunaw sa katamisan ng pag-ibig ni Quen para sa Kapamilya actress. Kaloka lang na baka kasalan na ang kasunod, ha!

Anyways, happy birthday, Darna! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?