124

Jan 2, 2018 @ 14:55
By

Enrique to Liza in Paris: “I love you more than anything”

Malamig ang klima ngayon sa Paris, France pero hindi kayang i-freeze ang nararamdamang init ng pagmamahal ni Enrique Gil sa ka-love team na si Liza Soberano.

Nagpahayag ng kanyang wagas na pag-ibig si Enrique sa latest photo posting nito sa kanyang Instagram wall na kuha sa bakasyon nila nang kanyang pamilya kasama ang aktres, sa Paris.

Isang very-heartwarming at touching photo ang pinoste ni Enrique sa kanyang IG wall kung saan napapagitnaan nila ng kanyang kapatid ang ina nila habang hinahalikan nila ito sa pisngi.

Naka-background sa long shot photo na ito ang Eiffel Tower at iba pang mga tao sa palagid.

Na-capture nang maganda ang mood ng paglalambing nina Enrique sa kanyang ina dahilan para matuwa nang husto ang aktor sa kumukuha nang larawan na si Liza.

@enriquegil17, “Family (heart emoticon) thank you for this shot..”

Sa sobrang kasiyahan at dala na rin nang malaking pagmamahal ni Enrique kay Liza hindi lang ito nagpahayag ng kanyang pag-ibig kundi maging lawak nang kanyang nararamdaman.

“…I love you more than anything.”

Hindi first time ni Enrique na magsabi ng I love you kay Liza sa social media, pero first time niya ngayong sabihing higit sa lahat ang pag-ibig nya sa kapwa Kapamilya actress.

Sinasabi ni Enrique sa promo ng “Seven Sundays” na hindi pa sila official ni Liza at hanggang ngayon ay nililigawan pa lang nya ito, pero kung ilabas nang dancer-actor ang feelings niya sa huli parang sila na.

Paano kaya kung maging official na sila, hanggang “universe” na kaya ang pag-ibig nyang ito?

Anyways, walang dudang mahal na mahal nga ni Enrique si Liza dahil sa panayam namin sa kanya nong 2017 itinuturing niyang asawa na ang ka-love team at hindi na raw nya gugustuhing mawala pa ito sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?