217
liza-enrique

Enrique, Liza kinoronahan bilang “Box Office King and Queen”

Sharing is caring!

Itinanghal na sina Enrique Gil at Liza Soberano bilang Box Office King and Queen ngayong taon ito ng 49th Box-Office Entertainment Awards na iginawad ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Sa kanyang Instagram post, binigyan ni Soberano ng credit ang mga taong tumulong sa kanila ni Gil para makuha ang nasabing parangal.

Partikular nitong pinasalamatan sina Malou Santos ng Star Cinema, Carmi Raymundo, Mico del Rosario at director Cathy Garcia Molina.

Nagpasalamat din si Soberano sa ABS-CBN management, “for believing in me and the LizQuen tandem and for giving us the opportunity to inspire thousands of Filipinos all over the world.”

Labis din ang kanyang pasasalamat sa kanilang mga fan sa kanilang walang sawang pag-suporta sa mga proyekto nila ni Gil.

“To our loving fans who spent sleepless nights tweeting, instagramming and putting together block screenings all for us THANK YOU. With or without this recognition we still feel like winners because of the unconditional love you show us,” Soberano wrote.

Nabanggit din ni Soberano si Gil sa kanyang post kung sinabihan pa niya ito ng, “I love you!”.

“To my amazing partner Enrique who is always by my side, you bring out the best in me in ways nobody else can. I love you!” sambit ni Soberano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?