780

Oct 9, 2017 @ 12:53

Enrique Gil asawa na ang tawag kay Liza Soberano

Nakakaloka talaga itong si Enrique Gil dahil hindi pa man sila opisyal ni Liza Soberano, itinuturing na niyang kabiyak nang kanyang buhay ang aktres.

Hindi kasali si Liza sa presscon para sa lalabas na movie ni Enrique ngayong miyerkules, Oct. 11, ang “Seven Sundays” na pinagbibidahan rin Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez sa direksyon ni Cathy Garcia Molina na ginanap nong linggo sa 9501 Resto sa ELJ Building, pero hindi naiwasang hindi pag-usapan sa interview namin ang tungkol sa kanila ni Liza dahil ganadung-ganadong sumagot ang young actor sa mga sagot na may kaugnayan sa kanilang dalawa.

Una, hindi itinanggi ni Enrique ang identical bracelets na suut-suot nilang dalawa ni Liza. Proud pang sinabi ni Enrique na siya mismo ang nagbigay noon.

Kahit raw gustuhin niyang bigyan nang singsing si Liza, inuna pa lang raw niya ang bracelet.

Sabi ni Enrique, kahit hindi pa talaga silang dalawa ni Liza feeling niya sila na nang aktres.

Diin pa nga niya para na silang mag-asawang dalawa dahil ito raw ang nararamdaman ni Enrique sa pagmamahal niya kay Liza.

Ipinakilala na nga raw ni Enrique sa mga kaibigan niya si Liza bilang asawa niya para raw talaga kanyang-kanya na ang aktres.

Sey pa ni Enrique, si Liza na raw ang babaeng gusto niyang makasama sa habang buhay, at kung anuman raw meron silang dalawa ngayon forever na raw ito at hindi na ito mawawala pa.

Hindi nga raw niya papayagang maligawan pa nang iba si Liza dahil sa kanya ang akres, asawa na nga raw niya ang tawag niya dito.

Sa tanong kung parehas ba sila nang nararamdaman ni Liza na siya naman ang mister nito, sumagot naman si Enrique nang “Oo,” sabay ngiti.

Ang pangako ni Enrique sa ama ni Liza na hindi muna sila magiging magkasintahan hanggang hindi pa sumasapit sa edad na 20 0 21 years old ang aktres.

Si Liza raw mismo ang nag-promise sa daddy niya na kailangan raw muna niyang lumagpas sa teenage stage bago siya magkaroon nang kasintahan.

Bilib na bilib si Enrique kay Liza dahil kahit nasa States ang daddy ni Liza, pinanghahawakan pa rin nito ang pangako niya sa ama pagdating sa lovelife.

Willing naman si Enrique na maghintay sa kung kailan raw puwede silang maging opisyal na dalawa, at hindi raw siya magsasawang mahalin ang dalaga.

Parang nakalutang sa alapaap sa pag-ibig si Enrique habang nagsasalita siya tungkol sa feelings niya na “asawa” na turing niya kay Liza.

Makikita ang pagu-glow nang mata ni Enrique na masasabing inlove talaga ang husto ang aktor sa susunod na “Darna”.

Anyways, ngayong tapos na ang shooting ng kanilang pelikula, ilalaan na raw ni Enrique ang panahon niya kay Liza.

Samantala, isang rebelasyon si Enrique sa “Seven Sundays” na ayon mismo kay Direk Cathy ay pinakapaborito niya sa lahat nang eksena ay yung nasa kuwarto lang ang aktor habang nagi-emote.

Siningle out ni direk ang eksena ni Enrique sa presscon na parang nawala sa isip niya na nasa tabi niya sina Dingdong at Aga.

Bigla siyang kumambyo na may mga magagandang eksena rin na paborito niya sina Aga, Dingdong at Ronaldo Valdez.

Nakatulong siguro ang pagiging inspired ni Enrique kay Liza kaya hinuhusayan nito ang kanyang pagganap. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?